Posted in Pacland (Manny Pacquiao's Blog).... Can anyone translate the other words? I highlighted those that are in English. It looks like Pac has not signed the Margarito fight yet and he is still waiting for Floyd. Mayweather, Don King: Let's get it on PhilBoxing.com By Manny Pacquiao 08 Aug 2010 MANILA -- Magandang araw po ulit sa lahat ng masusugid na tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin ay nasa mabuting kalagayan naman po ako. Halos tatlong buwan at isang linggo na lang bago dumating ang pinakahihintay at pinaka-aabangan ng karamihan sa inyo. Napakabilis ng panahon at hindi natin mamamalayan at sasapit na ang Nov. 13. Sa petsang ito ako nakatakdang lumaban at medyo excited na akong bumalik sa ring at mag-ensayo. Nami-miss ko ang amoy ng gym at ang paghahanda sa laban pero gayunpaman, nag-eenjoy naman ako sa Congress kahit na maraming trabaho ang nakatambak. Hindi naman po nangangahulugan na tinatalikuran ko na o mapapabayaan ko ang aking responsibilidad bilang isang Kongresista sa panahon ng paghahanda sa laban. Sa tingin ko, ang pag-aayos lang ng aking work schedule ang susi para mapadali ang lahat. Mahirap man, wala namang problema at kaya kong magampanan ang aking mga tungkulin sa abot ng aking makakaya. Inspirado akong ipakita sa lahat ng aking nasasaklaw na kahit na ako ay isang bagitong Congressman, kaya kong tuparin ang mga pangakong aking binitawan noong panahon ng kampanya para sa eleksyon. Namo-monitor ko ang mga kaganapan sa aking distrito at hindi rin naman ako nagpapabaya sa aking kalusugan kahit na dumami ang aking trabaho. This content is protected Kahit na busy ako, nasasagap ko pa rin ang pinakasariwang mga balita, gaya ng napipintong pagsasama diumano ni Floyd Mayweather Jr. at ng batikang promoter na si Don King. This content is protected Ikinagagalak kong malaman na nagbabalak silang magtulungan para sa kanilang kinabukasan. Natutuwa ako dahil baka naman ngayon ay magbabago na ang ihip ng hangin at biglang magdedesisyon si Mayweather na labanan akong bigla. This content is protected Kahit na hindi pa final ang pagtatambal nina Mayweather at King, nakikinita ko na ito ay maganda para sa isa't-isa. Sana ay magkasundo sila sa lalong madaling panahon. This content is protected This content is protected Marami pang mangyayari sa loob ng tatlong buwan at kung talagang hindi duwag si Mayweather, kailangan niyang patunayan ito sa ibabaw ng ring. This content is protected . Nagbigay na ako ng mga palugit at tinanggap ko ang ilan sa mga requests ni Mayweather para lang matuloy ang laban. This content is protected This content is protected Sa ngayon, si Antonio Margarito ng Mexico ang matunog na kapalit ni Mayweather sa November 13 pero para sa akin, walang kasing-gandang balita kung magpapalit ng isip ang kampo ni Mayweather at siguradong lahat ng boxing fans o kahit na mga sports fans ang tututok sa labang ito. This content is protected Sigurado ako, itong laban na ito ang pag-uusapan ng lahat sa susunod na tatlong buwan. Tiwala ako na kakayanin ng mga promoters na maisaayos ang lahat sa loob ng panahong ito at lahat ng mga dapat na kasali sa pagtataguyod ng laban na ito ay kikilos para lang matupad ang laban na ito. This content is protected Kung hindi naman, handa pa rin akong labanan ang kahit na sinong maihaharap sa akin ng aking promoter. Sa ngayon, wala pa akong final na balita sa negosasyon tungkol sa Margarito fight at hinihintay ko pa ang mga bids na nagmumula sa iba't-ibang sites. This content is protected Sa ngayon, ang Abu Dhabi, Dallas sa Texas, Monterrey sa Mexico at Las Vegas sa Nevada ang mga posibleng lugar kung saan kami maghaharap ni Margarito. Kung hindi kikilos si Mayweather ngayon, marami pa ang mawawala sa kaniya. This content is protected
Damn Pac sounds like he really wants this fight. And I don't know when this was written, but I guess Margarito and Pac isn't finalized yet. C'mon Mayweather!!! Man up you ****ing *****!
the more and more i think about it the more it seems like the fight is actually agreed to...this stuff just dont add up.